Ang Pagiging isang Ina

 

Para sa karamihan, hindi madali ang maging isang Ina. Hindi daw natutunan ng isang araw lamang ang kung papaano maging nanay.  Ngunit paano nga ba natin masasabi o mapapatunayan sa iba na tayo ay isang mabuting ina?

Tunay ngang hindi madali ang pagiging isang ina. Ang mga gawain sa araw-araw ay hindi biro. Ngunit ito ay isa mga mga pinaka masayang bahagi ng ating buhay.

Magsisimula ang iyong pagiging ganap na ina sa araw na isinilang mo ang iyong anak. Dito ay magsisimula na din ang mga gabing walng tulog, mga araw na walang pahinga, mga pagkain sa lipas na oras.

Kapag ikaw ay isang ina, walang hindi mo kayang gawin para sa iyong anak. Lahat ng sakripisyo ay kaya mong gawin. Ngunit kahit ganoon, may mga matang nakatingin sayo at pinapanood ang mga kilos mo. May mga tao na manghuhusga sa pagiging nanay mo.

Pero para saakin, walang ibang tao ang pwedeng kumwestyon sa pagiging nanay ko sa mga anak ko.

Maaari nila akong gabayan sa pagpapalaki ko sa aking mga anak pero hindi para husgahan ako bilang nanay.

Alam natin sa sarili nating kung gaanong pagmamahal ang meron tayo para sating mga anak. Tayo ang nakakaalam kung sa papaanong paraan natin sila dapat palakihin.

Hanggat inaalagan natin sila, hanggat naibibigay natin sakanila ang kanilang mga pangangailangan at hanggat andito tayo para sila ay mahalin at protektahan, tayo ay isang mabuting ina.

Ang pagiging isang ina ay ang pinaka mahirap na propesyon sa mundo ngunit ating pilit na kinakaya dahil sa nag uumapaw na pagmamahal natin sa ating mga anak.

 

Comments